Monday, August 8, 2011

7-11 kape

late na ko nagising.. hindi na kinaya ng powers na mag timpla at iminom pa ng mainit na kape... malayo pa ang byahe ko.. natulog lang ako sa jeep at sa bus on the way to batanggas... tamang tama, pag pasok ng industrial park merong 7-11. masarap ang capuccino nila dun, P60 para sa pinaka malaki.



bumili ako at nagkape sa opisina habang nag babasa ng email. it was good! kaya di na din ako antok antok after lunch...

kape tayo? ;)

Thursday, August 4, 2011

Kopiko Brown Coffee

Katatapos ko lang mag lunch.. and as usual in few minutes aantukin ako.. so ill have my 2nd cup of coffee for the day... and ano ang kape ko? KOPIKO Brown!



Dati, hindi ako mahilig sa kape.. ayoko kasi ng mapait.. kaya lang nung nag umpisa na akong mag trabaho, at aantok antok ako sa opisina, pinakilala sa akin ng office mate kong si Dang ang kape.. sinubukan ko at nagustuhan ko naman ang epekto nya.. (yung di ka na aantukin) katagalan, nagustuhan ko na din ang lasa nya. Nescafe ang usong kape noon.. pero nang dumating si Mr. Kopiko biglang nag salawahan ang panlasa ng mga pinoy. ako, mas gusto ko na ngayon ang KOPIKO, wala kasi syang after taste.. matapang, pero malasa.. and masarap sya.. lalo na pag libre! :)
pati ang mga pamangkin ko gusto  ng magkape! basta marami lang creamer.

teka.. enough talking about kape.. silipin ko muna ang water dispenser kung may available ng mainit na tubig..

Kape tayo? :)