Katatapos ko lang mag lunch.. and as usual in few minutes aantukin ako.. so ill have my 2nd cup of coffee for the day... and ano ang kape ko? KOPIKO Brown!
Dati, hindi ako mahilig sa kape.. ayoko kasi ng mapait.. kaya lang nung nag umpisa na akong mag trabaho, at aantok antok ako sa opisina, pinakilala sa akin ng office mate kong si Dang ang kape.. sinubukan ko at nagustuhan ko naman ang epekto nya.. (yung di ka na aantukin) katagalan, nagustuhan ko na din ang lasa nya. Nescafe ang usong kape noon.. pero nang dumating si Mr. Kopiko biglang nag salawahan ang panlasa ng mga pinoy. ako, mas gusto ko na ngayon ang KOPIKO, wala kasi syang after taste.. matapang, pero malasa.. and masarap sya.. lalo na pag libre! :)
pati ang mga pamangkin ko gusto ng magkape! basta marami lang creamer.
teka.. enough talking about kape.. silipin ko muna ang water dispenser kung may available ng mainit na tubig..
Kape tayo? :)

1 comment:
test
Post a Comment